Bangko!
Boto ako sa ginawa ng Converge na ibangko ang import na si Quincy Miller sa game nila kontra NorthPort nung Nov. 20.
Nag-celebrate kasi ng birthday ang import at na-late kinabukasan sa practice. Baka nasobrahan sa party.
Anyway, dehins siya ginamit ni coach Aldin Ayo at natalo ang Converge sa NorthPort, 112-97.
Natural, may basbas ng management ang desisyon ni coach na patawan ng disciplinary action ang import.
Walang sacred cow sa team. Kahit sino ka pa, kung may violation ka, may penalty ka.
Dahil sa talo, napatid ang seven-game winning streak ng Converge. Sa 8-3 na record, nasa No. 3 sila.
Nagkaroon sila ng mahabang 10-day break bago labanan ang Ginebra ngayon para sa pagtatapos ng kanilang elims schedule.
Kaya sana talunin ng Converge ang NorthPort para hatakin pa ang winning streak. Pero mas importante sa team ang ipakita na kailangan ng disiplina among the players.
Timing naman dahil assured na sila ng quarterfinals spot kahit matalo sa NorthPort.
Sabi siguro ni coach, okay lang mapatid ang winning streak.
Pumunta ng Subic ang buong Converge team para sa isang quick bonding matapos ang pagkatalo.
Kinausap siguro ni coach si Quincy.
Isa lang ang message: ‘Wag na maulit ang nangyari.
- Latest