SMB itinagay ang Leg 4 crown
MANILA, Philippines — Bumalikwas ang San Miguel mula sa seven-point deficit para balikan ang TNT Tropang Giga sa overtime, 22-20, at angknin ang Leg 4 crown ng PBA 3x3 First Conference Season 2 kahapon saRobinsons Malabon.
Ibinulsa ng mga Beermen ang premyong P100,000, habang nakuntento ang Tropang Giga sa P50,000.
Sinadigan ng San Miguel sina Ken Bono at Wendell Comboy sa dulo ng regulation at sa overtime para makabangon mula sa 13-20 agwat.
Umiskor si Bono ng walong puntos, habang may anim si Comboy para sa panalo ng Beermen na nabigo sa Cavitex sa finals ng Leg 2.
Samantala, inangkin ng Meralco ang third place at ang premyong P30,000 matapos gibain ang Platinum Karaoke, 19-12.
Nagtala si Reymar Caduyac ng siyam na puntos para sa panalo ng Bolts.
- Latest