^

PSN Palaro

Fighting Maroons umeskapo sa Falcons sa OT

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalusutan ng nagdedepensang University of the Phi­lippines ang Adamson University via 87-78 overtime para manatili sa ita­as ng team standings sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasawata ng Figh­ting Maroons ang tangka ng Soaring Falcons sa extra period para makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Umiskor si Zavier Luce­ro ng 15 points mula sa 6-of-11 field goal shooting bukod sa 7 rebounds at 4 assists para sa UP, habang nagsumite si Malick Diouf ng 13 markers, 12 boards, 4 assists, 4 blocks at 3 steals.

Nagrehistro naman si Terrence Fortea ng 12 points at may nagawang 11 points si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo.

Bumandera para sa Adam­son si Jerom Lasti­mosa na bumanat ng 25 points, 6 boards at 6 assists na hindi  sapat para dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Nahulog ang Soaring Falcons sa 0-2 marka.

Sa unang laro, ginulan­tang ng University of the East ang Far Eastern Uni­ver­sity, 76-66, upang tuldukan ang kanilang 15-game losing skid.

Ito ang unang panalo ng Red Warriors sa liga sapul noong Oktubre 30, 2019 kung saan tinalo nila ang National University Bulldogs, 79-77.

Umangat ang UE sa 1-1 marka, habang nalaglag naman ang FEU sa 0-2 kartada.

“Mayroon lang kaming lapses down the stretch but still the bottom line is the game plan was followed. I thank my boys, especially si Kyle (Paranada),” ani Red Warriors’ coach Jack Santiago.

Nagtala si Kyle Para­na­da ng 25 points mula sa 9-of-17 shooting para manduhan ang opensa ng UE.

Nasayang naman ang ang kinamadang 15 points ni Patrick Sleat at ang 10 mar­kers ni Cholo Añonuevo para sa FEU.

PHILSPORTS ARENA

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with