Super League mas maaga na magsisimula
MANILA, Philippines — Mas pinaaga na ang mga laro sa Shakey’s Super League Collegieate Pre-season Championship na sisimulan sa Oktubre 1 sa Rizal Memorial Coliseum.
Mula sa dating alas-12 ng tanghali, magsisimula na ang unang laro sa alas-10 ng umaga.
Apat na laro pa rin ang idaraos kung saan ang ikaapat na laro ay nakatakda ng alas-5:30 ng hapon.
Posibleng nais ng mga organizers na maiwasang maulit ang laro ng University of Santo Tomas at Adamson University na umabot ng madaling araw dahil umabot sa limang sets ang mga naunang laro.
Sa Sabado, maglalaro ang University of Santo Tomas at San Sebastian College-Recoletos sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng University of Perpetual Help System Dalta at University of the East sa alas-12:30 ng tanghali.
Sisimulan naman ng Ateneo at La Salle ang kampanya nito sa pagharap sa magkaibang karibal.
Hahataw ang Ateneo kontra sa Arellano University sa alas-3 ng hapon habang aariba naman ang La Salle kontra sa Far Eastern University sa alas-5:30 ng hapon.
Magpapatuloy ang bakbakan sa Linggo, Oktubre 2, kung saan papalo ang laban ng Perpetual Help at University of the Philippines (10 a.m.) at ng Adamson at San Sebastian (12:30 p.m.).
Susundan ito ng engkuwentro ng Mapua University at San Beda University (3 p.m.) at Jose Rizal University at Arellano (5:30 p.m.).
Inilipat naman sa Oktubre 22 ang mga nakanselang laro noong Linggo dahil sa bagyong Karding.
- Latest