Kouame handa sa Gilas call up
MANILA, Philippines — Handa si naturalized player Angelo Kouame sakaling tawagin ito para maglaro sa Gilas Pilipinas sa mga international competitions na lalahukan nito.
Ito ang tiniyak ni Kouame na isa pa naman sa hinuhubog ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa 2023 FIBA World Cup.
Subalit nagtamo ito ng partial anterior cruiate ligament (ACL) tear noong Hunyo dahilan para hindi ito makasama sa mga laro ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA 2023 World Cup Asian Qualifiers at 2022 FIBA Asia Cup.
Kasalukuyang nasa recovery period na si Kouame at umaasa ang pamunuan ng Ateneo de Manila University na magiging 100 porsiyento nang nakarekober ito bago ang UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
“No matter what happens, I’ll be present for the national team if the national team calls, I’ll be there no matter what’s going on,” ani Kouame.
Sa kasalukuyan, binubuo na ng Gilas coaching staff ang lineup para sa mga international tournaments na lalahukan nito.
May ilang mga PBA players na ang napipisil ng SBP para mapasama sa Gilas Pilipinas pool.
Kabilang na rito sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo at reigning MVP Scottie Thompson.
Ilan pa sa mga napaulat na mapapasama sina Thirdy Ravena, Kiefer Ravena at Dwight Ramos.
- Latest