^

PSN Palaro

AVC Cup for Women sa Agosto 21-29

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
AVC Cup for Women sa Agosto 21-29
Ito ang inihayag kaha­pon ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) matapos ang ma­tagumpay na pagdaraos ng dalawang yugto ng Volleyball Nations League noong Mayo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kabuuang 10 koponan kabilang ang isang all-co­llegiate national squad ang hahataw sa Asian Volleyball Confederation Cup for Women sa Agosto 21-29 sa PhilSports Arena sa Pa­sig City.

Ito ang inihayag kaha­pon ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) matapos ang ma­tagumpay na pagdaraos ng dalawang yugto ng Volleyball Nations League noong Mayo.

Ang pang-pitong edis­yon ng Asian Volleyball Confederation Cup for Women ay nauna ang iti­nakda noong 2020 kundi la­mang nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

“This is a strong tourna­ment and our young pla­yers, who we vision as the future of Philippine volley­ball, will get the needed ex­posure against the continent’s best teams,” wika ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara.

Kasama ng Pilipinas sa Pool A ang reigning champion China, South Korea, Iran at Vietnam.

Nasa Pool B naman ang 2018 runner-up Japan, Thailand, Kazakhstan, Chinese Taipai at Australia.

“Just like the VNL, Filipino volleyball fans will again be treated to world-class volleyball action conside­ring that world-ranked teams China, Japan, Iran, South Korea and Thailand are playing,” ani Suzara.

Ang preliminaries ay sa Agosto 21 hanggang 25.

Lalabanan ng Natonals ang Vietnam sa Agosto 21 kasunod ang China sa Agosto 23, ang Iran sa Agosto 24 at ang South Ko­rea sa Agosto 25.

Nagdomina ang China noong 2008, 2010, 2014, 2016 at 2018.

ASIAN VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with