^

PSN Palaro

Matthew Wright aalis na sa PBA

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Matthew Wright aalis na sa PBA
Matthew Wright (center) played what was possibly his final game with the Phoenix Super LPG Fuel Masters against the Converge FiberXers at the Mall of Asia Arena on Saturday
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Ginawa na ni Matthew Wright ang kanyang final game para sa Phoenix.

Nakatakda siyang bu­mi­yahe patungong Amerika kagabi para sa kanyang kasal kasabay ng pag-iisip ng mga opsyon.

Matatapos na kasi ang kontrata ni Wright sa susu­nod na buwan at tila nag-iisip siyang maglaro sa ibang liga kagaya sa Japan o Korea.

“I don’t want to say final. That’s such a final word. I don’t want to close the door on anything,” sabi ng Fil-Ca­nadian guard na hinugot ng Fuel Masters sa special draft noong 2016.

Noong offseason ay nag­paramdam na ng inte­res si Wright na maglaro sa Japan B.League kung saan tumatayong imports si­na Kiefer at Thirdy Ra­ve­na, Bobby Ray Parks, Jr. at Kobe Paras.

“Whatever it is that he’s gonna do after this is something that we’ve agreed upon,” sabi ni Phoenix head coach Topex Robinson kay Wright.

Nagtala ang two-time All-Star at miyembro ng 2020 PBA First Mythical Team ng mga averages na 15.0 points, 5.9 assists at 5.1 rebounds per game para sa Fuel Masters sa 2022 PBA Philippne Cup.

Sa 89-66 paggupo ng Phoenix sa Converge no­ong Sabado ay nagtala si Wright ng 15 points, 8 re­bounds at 4 assists.

Itinaas ng Fuel Masters ang kanilang baraha sa 3-7 para tapusin ang five-game losing skid.

MATTHEW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
20 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with