^

PSN Palaro

Lady Generals nakatikim ng panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Generals nakatikim ng panalo
Halimaw si Krizzia Re­yes na nagtala ng 24 puntos at 13 digs para pamunuan ang Lady Gene­rals na makasampa sa win column.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naitarak ng Emilio Aguinaldo College ang matamis na 26-28, 25-15, 27-25, 25-17 desisyon laban sa Lyceum of the Philippines University upang makatikim ng unang panalo sa NCAA Season 97 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Halimaw si Krizzia Re­yes na nagtala ng 24 puntos at 13 digs para pamunuan ang Lady Gene­rals na makasampa sa win column.

Masaya si EAC head coach Rod Palmero sa ipinamalas ng kanyang bataan na unti-unti nang natatagpuan ang tamang kumbinasyon.

“Kahit wala na kami doon sa top four, nakita ko na bago matapos yung season na nanalo kami. Nandun talaga yung eagerness ng team na makuha ang panalo,” ani Palmero.

Umangat ang EAC sa 1-5 rekord kasama ang Colegio de San Juan de Letran na may parehong marka.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Lady Generals para makahirit ng tiket sa susunod na yugto ng torneo.

Subalit daraan ito sa matinding pagsubok dahil makakasagupa nito ang defending champion Arellano University, Mapua University at Letran.

“Sinabihan ko sila na ipakita lang yung character basta tuluy-tuloy lang yung ginagawa para di sila matigilan. I’m happy for them dahil nagbunga ang pagsisikap nila,” ani Palmero.

Nagdagdag naman si Catherine Almazan ng 14 hits para makatulong sa opensa ng Lady Generals.

Nahulog ang Lady Pirates sa 3-3 marka.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with