^

PSN Palaro

Wong itinanggi ang ‘suplada’ issue

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Wong itinanggi ang �suplada� issue

MANILA, Philippines — Likas na mahiyain lamang si Choco Mucho playmaker Deanna Wong kaya’t walang katotohanan ang mga bali-balitang isnabera ito.

Nilinaw ni Wong ang u­sap-usapang may ilang fans ang nakaranas ng pang-iisnab mula sa ka­nilang iniidolong volleyball player.

Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang social media account, inihayag ni Wong na hindi pa ito sanay sa atensiyong natatanggap nito.

Sa totoong buhay, tunay na mahiyain lamang ito kaya’t umaasa ang dating Ateneo de Manila University setter na huwag sanang bigyan ng masamang kahulugan ang kanyang pagiging mahiyain.

“Sa akin naman kasi I’m really a shy type, and I’m really an introvert person, so, it may seem off na suplada,” ani Wong.

Sinabi ni Wong na mas minabuti nitong maging tahimik na lang upang hindi na mabigyan ng ibang interpretasyon ang lahat.

Sa ngayon, unti-unti nang nakakapag-adjust si Wong sa mainit na suportang natatanggap nito sa mga fans. Matatandaang dinumog ng mga fans ang bahay nito sa Cebu noong nagbabakasyon ito.

Kaliwa’t kanan din ang meet and greet ng Choco Mucho player na tunay na dinadagsa ng mga fans.

Maliban sa interview ni Boy Abunda, nagkaroon din ito ng one-on-one talk kasama si Karen Davila.

Nagpasalamat si Wong sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga fans.

“Just really a big thank you to everyone. Very, very humbled, very, very grateful, very blessed,” ani Wong.

vuukle comment

DEANNA WONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with