^

PSN Palaro

Saclag asam makapasok sa gold medal round

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pipilitin ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.

Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s low kick -63.5-kg nang talunin si Souliyavong Latxasak ng Laos, 3-0, noong Linggo.

Nangako ang 27-anyos na tubong Kalinga na gagawin ang lahat para sapawan ang kanyang Vietnamese opponent sa harap ng mai­ngay na hometown crowd.

Sakaling manalo si Saclag kay Giang ay lala­banan niya ang magwawagi sa semis duel nina Chalemlap Santidongsakun ng Thailand at San Rakim ng Cambodia para sa gold medal.

Inaasahang gagamitin ni Saclag ang kanyang pagiging Wushu World Cup champion sa sanda at silver medalist sa Incheon Asian Games noong 2014.

Kasalukuyan pang luma­laban kagabi sina Daryl Chulipas kontra kay Salmri Stendra Pattisamallo ng Indonesia sa men’s full contact -51 kgs, Honorio Banario laban kay Tanoi Yermias Yohanes ng Indonesia sa men’s -71s kg low kick at Emmanuel Cantores kay Malaysian Ain Kamarrudin sa men’s -60 kgs low kick.

vuukle comment

DARYL CHULIPAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with