^

PSN Palaro

Sunog sa Araneta: Game 6 ng Ginebra-Meralco PBA finals tuloy kaya?

Philstar.com
Sunog sa Araneta: Game 6 ng Ginebra-Meralco PBA finals tuloy kaya?
Makikita ang pagresponde ng mga bumbero sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon city matapos mapuno ng usok ang venue habang isinasagawa ang ilang laro ng PBA 3x3
Mula sa Twitter account ng PBA 3x3

MANILA, Philippines — Suspendido ang PBA 3x3 Lakas ng Tatlo 2nd Conference Grand Finals matapos magkaroon ng sunog na diumano'y nagsimula sa construction site malapit sa Araneta Coliseum kung saan ginaganap ang basketball games.

Nangyari ito kahit nakatakda sanang magkaroon ng 14 games ngayong araw sa naturang venue kaugnay ng PBA 3x3.

"#PBA3x3 #LakasNgTatlo will be temporarily suspended today due to an emergency situation," wika ng opisyal na Twitter account ng PBA 3x3, Miyerkules.

Pinaalis na sa court ang mga tao matapos maiulat na napupuno ng usok ang venue habang nangyayari ang mga laro.

Maliban dito, nakatakda sanang mangyari ang Game 6 ng PBA Finals sa parehong venue mamayang 6 p.m. sa pagitan ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra.

Makikita sa videos na ito ang usok sa lugar, maliban pa sa pagresponde ng mga bumbero na noo'y inaapula ang apoy.

Bandang 12:41 p.m. nang ideklarang "fire under control" ng Txtfire Philippines Foundation Inc ang apoy sa venue.

Tuluyang idineklarang "fire out" ang sitwasyon sa Araneta Coliseum pagsapit ng 1:10 p.m.

Wala pa namang pormal na anunsyo ang PBA kung ipo-postpone ang Game 6 ng finals mamayang gabi. — James Relativo at may mga ulat mula kay Luisa Morales

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

FIRE

MERALCO BOLTS

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with