^

PSN Palaro

Cabagnot may 2-year extension sa Dyip

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cabagnot may 2-year extension sa Dyip
Alex Cabagnot.
STAR/File

MANILA, Philippines — Wala pang balak mag­retiro si Alex Cabagnot matapos pumirma ng dalawang taong extension sa Terrafirma simula sa pagbubukas ng PBA Season 47.

Mismong si Cabag­not ang nag-anunsiyo ng magandang balita sa kanyang social media account kung saan masaya itong muling masisilayan sa aksyon sa liga.

Ito ang ika-18 at ika-19 season ni Cabagnot sa PBA.

“Grateful for where I’m at, excited to where I’m going,” ani Cabagnot sa kanyang post sa Instagram.

Mahigit isang dekada si Cabagnot sa kampo ng San Miguel bago ito na-trade sa Terrafirma noong Nobyembre 2021.

Subalit maiksi pa lamang ang panahon na suot ni Cabagnot ang jersey ng Terrafirma.

Apat na beses lamang ito nakapaglaro sa PBA kasama ang Dyip bago magtamo ng achilles injury noong Disyembre dahilan para mailagay ito sa injury list.

Maganda pa naman sana ang laro ni Cabagnot sa Dyip kung saan may averages itong 12.0 points, 7.5 assists at 6.5 rebounds.

Inaasahang mabibigyan na ng clearance si Cabagnot na makapaglaro sa Hulyo.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with