^

PSN Palaro

Kandidato sa pagka-mayor sa La Union, nambugbog

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Kandidato sa pagka-mayor sa La Union, nambugbog
Sinampahan ng kasong grave threats, grave coercion at physical injuries sa Department of Justice-Office of the Provincial Prosecutor si mayoralty bet Frank Sibuma ni Moises Ordona, 54, na supporter din ni La Union second district Rep. Sandra Eriguel. 
File

AGOO, La Union, Philippines — Umiinit ang pulitika sa bayang ito matapos akusahan ng pambubugbog ang isang kandidato sa pagka-mayor dito ng isang tagasuporta ng kalaban niyang incumbent mayor dahil sa pagbabaklas ng mga campaign materials sa nasabing bayan.

Sinampahan ng kasong grave threats, grave coercion at physical injuries sa Department of Justice-Office of the Provincial Prosecutor si mayoralty bet Frank Sibuma ni Moises Ordona, 54, na supporter din ni La Union second district Rep. Sandra Eriguel. 

Si Sibuma na kasapi ng People’s Reform Party ay kumakandidato laban kay incumbent Agoo Mayor Stefanie Ann Eriguel, anak ni Rep. Eriguel.

Batay sa inihaing reklamo ni Ordona, noong Huwebes ng alas-3:00 ng hapon, habang minamaneho umano nito ang kaniyang sasakyang Toyota van patungong Barangay Sta. Rita West sa Agoo sakay ang ilang kasamahan ay hinarang ng convoy nila Sibuma.

Nang huminto si Ordona, nilapitan umano siya ni Sibuma na nag-utos na buksan ang pinto ng sasakyan at magtanggal ng mga face mask. Bagama’t tutol ang grupo ni Ordona, wala diumano silang nagawa dahil sa dami ng grupo ni Sibuma. 

Ayon kay Ordona, bigla na lamang umano siyang binugbog na base sa kaniyang medical certificate ay nagtamo ng multiple injuries at rib fracture.

Nanggagalaiti sa galit umano si Sibuma, nagmumura at nagbanta sa grupo ni Ordona at pinagbibintangan sila na nagtatanggal ng mga campaign materials ng una, bagay na pinabulaanan ng huli..

May supporter pa umano si Sibuma na nagtanggal sa campaign material ni Eriguel na nakadikit sa harap ng sasakyan ni Ordona.

BUGBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with