^

PSN Palaro

Tinuhog ang stage 9 at overall lead

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Tinuhog ang stage 9 at overall lead
Ronald Oranza.
Ronda Pilipinas

Lomotos ginulat ang lahat

BAGUIO CITY, Philippines —  Nagpakitang gilas si Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance matapos angkinin ang mahirap na Stage 9 ng 11th Edition ng LBC Ronda Pilipinas 2022 at agawin ang overall lead sa general classification.

Nirehistro ng 27-anyos na si Lomotos ang anim na oras, limang minuto at apat na segundo sa 187.6 km na nagsimula sa Santiago at nagtapos sa Burnham Park upang ungusan si Navy skipper Ronald Oranza sa top spot ng general classification.

Tumawid na pang-apat si Oranza, kaya nakalamang si Lomotos ng siyam na minuto at 18 segundo sapat upang mahubaran ng red jersey si 2019 Ronda champion.

Inamin ni Lomotos na noong una ay padyak at pedal lang siya nang makakawala sa grupo ng big guns na siklista.

Pero noong makalamang ng mahigit na 14 na minuto sa mga nasa top 3 ng GC ay nagdesisyon na itong pursigihin ang pagkuha ng overall lead.

“Nagdasal ako na sana Lord ibigay mo ito sa akin kasi malaki ‘yung lamang ko sa oras,” maluha-luhang pahayag ni Lomotos.

Nakalikom si Lomotos, tubong San Felipe, Zambales ng 34:13:48, lumagpak sa No. 2 ng GC si Oranza na naghahabol ng 21 segundo papasok ng final Stage 10 Criterium na magsisimula sa Burnham Park ngayon.

RONALD LOMOTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with