^

PSN Palaro

Dindin, Paat naka-bronze sa Thailand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dindin, Paat naka-bronze sa Thailand
Dindin Santiago-Manabat.
PVL Media

MANILA, Philippines — Binuhat nina Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat ang Nakhon Ratchasima sa bronze medal finish sa Thailand Volleyball League.

Ito ay matapos pamu­nuan ng dalawang Pinay spikers ang Nakhon Ratchasima sa 25-18, 25-23, 21-25, 25-14 panalo laban sa Khonkaen Star kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

Nakipag-sanib puwersa sina Santiago-Manabat at Paat kay Patcharaporn Sittisad matapos magpa­kawala ng matatalim na atake para masiguro ang podium finish sa torneo.

Sinubukang pumalag ng Khonkaen nang kunin nito ang third set.

Subalit hindi na nagpa­baya pa ang Nakhon Ratchasima sa fourth set nang magpasabog sina Santiago-Manabat at Paat ng kaliwa’t kanang crosscourt hits.

Nagawang maitarak ng Nakhon Ratchasima ang 8-4 kalamangan na hindi nito binitawan hanggang sa tuluyang mapatumba ang Khonkaen.

Ito ang unang podium finish nina Santiago-Ma­nabat at Paat sa isang international tournament bilang import.

Matatandaang hindi nakasikwat ng medalya si Santiago-Manabat nang maglaro ito bilang reinforcement sa Japan V.League.

Sa kabilang banda, ito ang first time ni Paat na maglaro bilang import sa international level.

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

MYLENE PAAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with