Ayala Center for Excellence in Sports ilulunsad para sa atletang Pinoy
MANILA, Philippines — Inihayag ng Ayala Corporation ang pagkakabuo ng Ayala Center for Excellence in Sports (ACES) na naglalayong suportahan ang mga atletang Pinoy.
“The Ayala Group has long seen the impact that sports can have on many facets of its businesses. In fact a number of our senior executives have represented the country on national teams in diffe-rent sports, including Ayala Land’s Chris Macasaet in men’s volleyball and AC Energy’s Jaime Urquijo in rugby,” ani program director Jan Bengzon.
Ayon kay Bengzon, naniniwala sila na kailangan ng mga atletang Pinoy ang magaganda at world-class sports facilities sa buong bansa upang maipakita ang kanilang galing at husay sa sport at mas maging competetive sa ibang bansa.
Ilan sa mga pangunahing programa ng Ayala Center for Excellence in Sports ay ang redevelopment ng Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite upang maging world-class training center para sa national athletes. Isasagawa ito kasama ang Ayala Land.
Ilulunsad din ng ACES ang Atletang Ayala program na magbibigay ng suporta at oportunidad sa national athletes na nais makalahok sa paparating na 2024 Olympics.
Inaasahang ipapatupad ang mga nasabing programa ngayong 1st quarter ng 2022.
- Latest