'3 dekada, 14 titulo': Alaska aalis na sa PBA
MANILA, Philippines — Tuluyan nang ireretiro ng Alaska Milk Corporation (AMC) ang koponan nitong Alaska Aces mula sa Philippine Basketball Association (PBA), pagkukumpirma ng chair ng AMC na si Fred Uytengsu sa isang pahayag.
Miyerkules nang magpaalam sa isang press release ang Alaska Aces matapos ang tatlong dekada, 14 kampeonato at isang grandslam sa larangan ng basketball.
"We thought long and hard before making this final decision," ani Uytengsu kanina.
"However, we believe that this will allow us to focus our resources on providing affordable nutrition for Filipino families."
Sang-ayon din daw ito sa utos ng FrieslandCampina, ang parent company ng AMC, na magpatupad ng organizational transformation na magtitiyak ng long-term sustainability.
Mananatilim namang espesyal kay Uytengsu ang Aces, lalo na't pinalad daw siyang simulan ang prangkisa noong 24-anyos pa lang siya, hanggang sa matuto tungkol sa team dynamics at pagbuo ng mga koponang magiging kampeon, mula sa mga manlalaro hanggang coaching staff.
"We take great pride in our participation and success all tbhese years and know we won with integrity, dagdag pa ng AMC chair.
"I also want to thank the PBA for our many years of partnership and wish the league continued success in the years to come."
Nagpasalamat din ang AMC sa lahat ng Alaska fans na walang-sawang nagpakita ng suporta nitong mga nagdaang taon: "May the memory of Alaska Aces live on forever. Wala pa rin tatalo sa Alaska!" kanilang pagtatapos.
Huling conference 'gagawing espesyal'
Matapos ang anunsyong inilabas ngayong araw, ilang kasalukuyan at dating mga manlalaro ang nagtungo sa social media para ipahiwatig ang kanilang saloobin sa nangyari.
"Grateful to Alaska for giving me a home for the last 4 years. It’s been an honor to play for the franchise," ani Jeron Teng, na siyang na-draft sa Alaska noong 2017.
"This will be our last conference as Alaska Aces, will definitely make it count!"
Grateful to Alaska for giving me a home for the last 4 years. It’s been an honor to play for the franchise. This will be our last conference as Alaska Aces, will definitely make it count! #TheLastAce #TheLastDance #WeNotMe @alaska_aces #2017PBAdraft pic.twitter.com/CVi186NZvc
— Jeron Teng (@jeronteng) February 16, 2022
Tinawag namang "Last Dance" ni Olu Ashaolu ang huling season ng Alaska sa PBA, kung saan maaari pa raw makasungkit ng ika-15 championship ang team.
The Last Dance https://t.co/EQ2XWJmoE5
— Olu Ashaolu (@O_Ash) February 16, 2022
Brokenhearted naman si Dondon Hontiveros, na tumulong noon para maipanalo ang 2013 Commissioner's Cup, sa kanyang Instagram story matapos ilabas ang statement ng Alaska. Si Hontiveros ay kasalukuyang bise alkalde ng Lungsod ng Cebu. — James Relativo
- Latest