^

PSN Palaro

Miller bigo sa giant slalom event

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maganda ang simula ng kampanya ni Filipino-American alpine skier Asa Miller sa 2022 Winter Olympic Games na ginaganap sa Yanqing National Alpine Skiing Center sa Beijing, China.

Hindi nakumpleto ni Miller ang performance nito sa giant slalom event dahilan para mamarkahan ito ng DNF o did not finish sa first run.

Sumablay ang 21-anyos na Pinoy bet sa unang bahagi ng kanyang run para mapatalsik sa kontensiyon.

Hindi lamang si Miller ang nagtala ng DNF maging ang 34 iba pang kalahok sa kanilang event.

Lahat ng mga nagtala ng DNF sa first run ay hindi na maaari pang magpartisipa sa second run.

Matapos ang first run, nanguna si Marco Odermatt ng Switzerland na may isang minuto at 2.93 segundo kabuntot sa ikalawa si Stefan Brennstei­ner ng Austria (1:02.97) at ikatlo si Mathieu Faivre ng France (1:03.01).

Target ni Miller na maka­resbak sa slalom event sa Pebrero 16.

ASA MILLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with