Jazz pinigil ang Warriors
SALT LAKE CITY, Philippines — Nagsalpak si Bojan Bogdanovic ng 23 points para ihatid ang Utah Jazz sa 111-85 pagpigil sa nine-game winning streak ng Golden State Warriors.
Ang ikaapat na sunod na pananalasa ng Jazz (34-21) ang nag-upo sa kanila sa No. 4 spot sa Western Conference.
Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 14 points, 10 rebounds at 8 assists habang humakot si center Hassan Whiteside ng 17 rebounds, 9 boards at 7 blocks.
Umiskor si Jordan Poole ng 18 points kasunod ang 16 markers ni Stephen Curry sa panig ng Warriors (41-14) para sa No. 2 seat sa West sa ilalim ng NBA-leading Phoenix Suns (44-10).
Kinuha ng Golden State ang 15-2 abante bago kumamada ang Utah para tuluyan nang makalayo sa 92-67 sa 8:47 minuto ng fourth quarter.
Sa Charlotte, humataw si DeMar DeRozan ng 36 points at may 27 markers si Zach LaVine sa pag-akay sa Chicago Bulls (34-21) sa 121-109 paggupo sa Hornets (28-28).
Sa Portland, kumamada si Anfernee Simons ng 29 points sa 107-105 paglusot ng Trail Blazers (22-34) sa Los Angeles Lakers (26-30).
Sa Oklahoma City, humakot si Pascal Siakam ng 27 points at 16 rebounds habang may 21 markers si Fred VanVleet sa 117-98 panalo ng Toronto Raptors (30-23) sa Thunder (17-37).
Sa Sacramento, naglista si Harrison Barnes ng 30 points at kumolekta si Domantas Sabonis ng 22 points at 14 rebounds sa 132-119 pagdaig ng Kings (21-36) sa Minnesota Timberwolves (29-26).
- Latest