44 pts ni Giannis gumiba sa Lakers
LOS ANGELES - Nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 44 points sa 131-116 pagsuwag ng nagdedepensang Milwaukee Bucks sa Lakers para sa kanilang ikaapat na dikit na arangkada.
Nag-ambag si Bobby Portis ng 23 points tampok ang limang triples habang iniskor ni Khris Middleton ang lahat ng kanyang 21 markers sa first half para sa pag-angkin ng Bucks (35-21) sa No. 2 seat sa Eastern Conference.
Umiskor si LeBron James ng 27 points at may 21 markers si Anthony Davis sa panig ng Lakers (26-29) na nasa No. 9 spot sa Western Conference.
Inilista ng Milwaukee ang 24-point lead sa first half na pinalobo nila sa 30-point advantage sa gitna ng third quarter patungo sa paggupo sa Los Angeles.
Sa Philadelphia, tumipa si Devin Booker ng 35 points at nagtala si Paul ng 16 points at 12 assists sa 114-109 paghiya ng NBA at Western Conference-leading Phoenix Suns (44-10) sa 76ers (32-22).
Sa New York, umiskor sina Jaylen Brown at Marcus Smart ng tig-22 points para ihatid ang Boston Celtics (31-25) sa 126-91 pagdurog sa Brooklyn Nets (29-25).
Sa Memphis, nagpasabog si Ja Morant ng 30 points sa 135-109 paglunod ng Grizzlies (38-18) sa Los Angeles Clippers (27-29).
Sa iba pang laro, panalo ang Minnesota Timberwolves sa Sacramento Kings, 134-114; dinaig ng Dallas Mavericks ang Detroit Pistons, 116-86; binigo ng Denver Nuggets ang New York Knicks, 132-115; at iginupo ng New Orleans Pelicans ang Houston Rockets, 110-97.
- Latest