Des Cheng may bagong kapamilya
MANILA, Philippines — Haharap si Des Cheng sa bagong pagsubok sa kanyang buhay bilang volleyball player kasama ang bagong team nitong Choco Mucho.
Hindi naman itinanggi ni Cheng na hindi naging madali ang desisyon nitong lumipat sa Flying Titans para sa 2022 season ng Premier Volleyball League (PVL).
Ilang taong nanatili si Cheng sa F2 Logistics na hawak ni De La Salle University head coach Ramil de Jesus na nagsilbi nitong mentor sa loob ng mahabang panahon.
Subalit walang magagawa si Cheng kundi ang lisanin ang kampo ng Cargo Movers at muling simulan ang kanyang volleyball career kasama ang bagong pamilya sa ngalan ng Flying Titans.
“The decision to move to Choco Mucho wasn’t easy. It was necessary. But far from easy,” ani Cheng sa kanyang post sa social media.
Maganda naman ang paghihiwalay ni Cheng at ng Cargo Movers.
Nagpaalam ito sa pamunuan ng F2 Logistics at kay De Jesus na maluwag namang tinanggap ang kanyang desisyon.
Huling nasilayan sa aksyon si Cheng nang magkampeon ang F2 Logistics sa Champions League noong Nobyembre.
“Before we started the festivities to celebrate winning Champions’ League last year, I took a chance and told him everything,” ani Cheng.
Nagbigay din ng magandang mensahe sa kanya si De Jesus at umaasang madadala nito ang kanyang championship experience sa Choco Mucho.
Dalawang beses na nagkampeon si Cheng sa UAAP at Philippine Superliga kasama pa ang kampeonato sa Champions League.
“Coach Ramil said he wishes me well. He said he prays for a healthy Des in the years to come. He said he hopes my new team takes good care of me because it would hurt him to witness if they didn’t,” ani Cheng.
- Latest