IP Games sa Benguet tagumpay
MANILA, Philippines — Naging maayos ang pagre-record ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Indigenous People’s Games sa layuning panatilihing buhay ang mga tradisyunal na laro ng mga katutubong Pinoy sa Tublay, Benguet.
“Kahit sa panahon ng pandemya, hindi kailangang mapabayaan ang paglinang sa ating kultura at maipakita sa mundo ang anyo ng pamumuhay at matandang tradisyon ng mga Pilipino,” ani PSC Commissioner at IP Games In-Charge Charles Maxey.
Nakipagtulungan si Maxey kay Benguet Gov. Melchor Diclas at sa National Commission on Indigenous Peoples para magawa ang programa base sa ipinapatupad na health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Nakiisa si Maxey sa isinagawang ritual/cultural dance para matiyak ang tagumpay at maayos na pagsasagawa ng mga aktibidad sa Communal Forest.
Nagsagawa ng kanilang tradisyunal na sayaw na ‘Tinaktakyag’ ang mga miyembro ng Kankana-ey Indigenous Cultural Community (ICC) at ang ‘Ginalding’ ng Inaloi ICC bago isinagawa ang mga laro.
Ipapalabas ang recording ng IP Games sa Benguet at sa naunang ginawa sa Saranggani sa PSC Facebook at ang pagtatapos ng programa sa final session.
Ayon sa FB page ng PSC-IP, ang huling araw ng pagpapatala para sa naturang webinar ay sa Martes simula alas- 9 ng umaga.
- Latest