Maraño saludo kina Souza de Brito, Mamon
MANILA, Philippines — Walang ibang masabi si team captain Aby Maraño kundi magagandang bagay para kina Brazilian mentor Jorge Edson Souza de Brito at head coach Odjie Mamon.
Ilang buwan pa lang magkakasama sina Souza de Brito at Mamon sa national team.
Subalit ramdam na ramdam na ni Maraño ang ganda ng programa nito para sa koponan.
Sa isang mahabang post sa social media, inisa-isa ni Maraño ang magagandang katangian nina Souza de Brito at Mamon na tunay na tumagos sa kanilang isipan.
Para kay Maraño, magaling na mentor si Souza de Brito mula sa usapin sa physical training hanggang sa mental training na ibinibigay nito sa mga players.
Pinadarama ni Souza de Brito ang kapasidad ng bawat isang player.
“It was amazing to be coaches by him. He made me feel that I am more than just a player. I am his daughter, we are his babies,” ani Maraño.
Kaya naman mataas ang respeto ng bawat miyembro ng team sa coaching staff dahil sa ibinubuhos nitong dugo’t pawis para mapalakas lamang ang national team.
Sa kabilang banda, ipinadama rin ni Maraño ang pagmamahal nito kay Mamon.
Sinabi pa ni Maraño na kitang kita ang dedikasyon nito sa kanyang ginagawa para masiguro na nasa tamang landas ang mga hawak nitong players.
- Latest