^

PSN Palaro

Pinay booters kinukuha ng mga Japanese club teams

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinay booters kinukuha ng mga Japanese club teams
Sinabi ni Philippine national women’s football team coach Marlon Maro na inaasahan niyang may mga susunod pa kina Pinay booters Sarina Bol­den at Quinley Quezada na maglalaro sa Japan WE League.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang mga basketball at volleyball players ang hinuhugot ng Japan sa Pilipinas kundi maging ang mga women football players.

Sinabi ni Philippine national women’s football team coach Marlon Maro na inaasahan niyang may mga susunod pa kina Pinay booters Sarina Bol­den at Quinley Quezada na maglalaro sa Japan WE League.

“I think next season, we’re expecting more Filipinas playing in Japan,” wika ni Maro.

Si Bolden ay naglalaro para sa WE League club team na Chifure AS Elfen Saitama  habang si Quezada ay nasa United Chiba.

Ang WE League ay may 11 club teams sa kanilang inaugural season at lolobo pa ang bilang ng mga ito sa pamamagitan ng promotion mula sa semi- professional Nadeshiko League.

Naging posible ang paglalaro nina Bolden at Quezada sa WE League teams dahil sa Japan Football Association (JFA) na nag-aalok ng financial aid sa mga football clubs na humuhugot ng mga players mula sa Southeast Asia.

Naglalaro na sa Japan B.League ang walong Pinoy cagers sa pamumuno nina Kiefer Ravena (Shiga Lakestars) at Thirdy Ra­vena (San-en NeoPhoenix)  

WE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with