Lakers sunog sa Suns; Mavs lusot sa Jazz sa preseason
PHOENIX , Philippines -- Maagang kinontrol ng Suns ang laro sa first quarter patungo sa 117-105 pagpapatumba sa Los Angeles Lakers sa kanilang NBA preseason game.
Humakot si center Deandre Ayton ng 14 points at 11 rebounds para sa Suns, ang runner-up sa NBA champions na Milwaukee Bucks.
Nagdagdag si Mikal Bridges ng 15 points habang may 13 at 11 markers sina Cameron Johnson at Chris Paul, ayon sa pagkakasunod.
Naglaro ang Phoenix na wala si star guard Devin Booker.
Binanderahan ni Malik Monk ang Los Angeles sa kayang 18 points.
Sa Dallas, nagtala si Luka Doncic ng 19 points, 6 rebounds at 5 assists sa 111-101 panalo ng Mavericks sa Utah Jazz.
Tumipa si Boban Marjanovic ng 14 points at may 10 markers si Jalen Brunson para sa Dallas.
Umiskor si rookie Jared Butler ng 22 points sa panig ng Utah na ipinahinga sina Donovan Mitchell, Rudy Gobert at iba pa nilang kamador.
Sa iba pang laro, tinalo ng Golden State Warriors and Denver Nuggets, 118-116; pinaluhod ng Sacramento Kings ang LA Clippers, 113-98; at binigo ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks, 99-96.
- Latest