Grizzlies-Bucks game ‘di natapos
Dahil sa pagtunog ng fire alarm
MEMPHIS, Tennessee, Philippines — Hindi na tinapos ang preseason game ng Grizzlies at nagdedepensang Milwaukee Bucks matapos tumunog ang fire alarm na nagresulta sa paglabas ng mga fans sa FedExForum.
Hawak ng Grizzlies ang 87-77 abante sa third quarter nang ihinto ang unang preseason opener nila ng Bucks.
Sinabi ng mga opisyales na tumunog ang fire alarm nang tamaan ito ng sprinkler sa isang non-public area.
Sa New York, hindi sumama si Kyrie Irving sa ensayo ng Brooklyn Nets sa kanyang pag-iwas sa mga tanong tungkol sa pagtanggi niyang magpabakuna.
“We support him, we’re here for him. When things change and there’s a resolution, we’re here for him,” ani Nets coach Steve Nash kay Irving.
Nauna nang inamin ni Irving na hindi pa siya bakunado laban sa COVID-19.
Ang New York ay may vaccine mandate kung saan kailangang bakunado na ang mga atletang mag-eensayo o maglalaro sa kanilang siyudad.
Sa Madrid, Spain, opisyal nang inihayag ni center Pau Gasol ang kanyang pagreretiro na tinampukan ng dalawang NBA championship at isang world championship gold para sa national team ng Spain.
Nanalo ang 41-anyos na si Gasol ng dalawang NBA titles para sa Los Angeles Lakers noong 2009 at 2010.
- Latest