Pinoy Spikers naman ang magpapasiklab sa AVC
MANILA, Philippines — Tumulak na kahapon ang men’s national volleyball team patungong Nakohn Ratchasima, Thailand para naman sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na papalo bukas (Biyernes).
Galing ang tropa sa puspusang ensayo sa Batangas City.
Mamanduhan ni team captain John Vic De Guzman ang koponan kasama sina Rex Intal, Mark Alfafara, Ricky Marcos, Ish Polvorosa, Jessie Lopez, Kim Malabunga, Francis Saura, Josh Retamar at Jao Umandal.
Kasama rin sina Ysay Marasigan, Nico Almendras, Manuel Sumanguid at JP Bugaoan.
Pasok ang Rebisco-Philippine sa Pool A kasama ang Foolad Sirjan-Iran, Al-Arabi-Qatar, Diamond Food-Thailand at AGMK-Uzbekistan.
Nasa Pool B naman ang Thailand’s Nakhon Ratchasima QminC, Sri Lanka’s CEB, Kazakhstan’s Burevestnic Almaty, Kuwait’s Kazma, at Iraq’s South Gas.
Ang magkakampeon sa torneo ay mabibigyan ng tiket para sa prestihiyosong FIVB Volleyball Men’s Club World Championship.
- Latest