Espejo may warm welcome sa Japan
MANILA, Philippines — Pormal nang nakasama ni outside hitter Marck Espejo ang buong tropa ng FC Tokyo upang masimulan ang training camp para sa Japan V.League 2021-2022 season.
Kumpleto na ang 14-day quarantine period ni Espejo kaya’t agad itong sinundo ng mga kinatawan ng FC Tokyo sa kanyang quarantine hotel.
Kasama ni Espejo ang makakatulong nitong isa pang import na si Norwegian Jonas Kvalen.
Sinalubong sina Espejo at Kvalen nina FC Tokyo teammates Nozomi Sato, Hideyuki Kuriyama at Yuma Nagatomo bitbit ang welcome banner at ang flag ng Pilipinas at Norway.
Excited na si Espejo sa kanyang pagbabalik-aksyon sa Japan B.League.
Huli itong nasilayan sa aksyon noong 2018 season nang maglaro ito para sa Oita.
Matapos ang isang season, hindi na nirenew pa si Espejo.
Naglaro ito sa isang commercial league sa Thailand kasunod ang pagsabak sa isa pang commercial league sa Bahrain.
Kaya naman masaya si Espejo na makakalaro itong muli sa Japan B.League kasama ang kapwa outside hitter na si Bryan Bagunas na siyang import ngayon ng Oita.
- Latest