^

PSN Palaro

Sports para sa may mga kapansanan palawakin— Adeline

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni 2000 Sydney Paralympics Powerlifting bronze medalist Adeline Dumapong-Ancheta na mas lalo pang maging ma­lawak ang sports program para sa mga differently-abled athletes upang dumami ang magka-interes na pumasok sa sports sa kabila ng kanilang kapansanan.

Hangad ni Dumapong-Ancheta na maging inspirasyon ang mga dati at kasalukuyang miyembro ng national para athletes team para sa mga baguhang nagnanais maging atleta tulad nila.

Malaki ang maitutulong ng sports hindi lamang sa pisikal na aspeto maging sa mental na usapan ng mga taong may kapansanan.

“Ang contribution ko is to encourage them into sports, in any sports lalo na after ko manalo ng medal sa Paralympics. Nakaka-challenge talaga working on encouraging our people into sport,” wika ni Dumapong-Ancheta sa TOPS Uspang Sports on Air.

Kasama ni Dumapong-Ancheta sa programa sina Philippine Paralympics Chess team head coach James Infiesto at multi-titled at World chess champion Sander Severino

“We all know that sport is not their primary concern ng atletang mga kababa­yang may kapansanan, dahil mas uunahin nilang lagyan ng pagkain ang kanilang mga sikmura kaysa sumali sa anumang sports. Sports is in the backseat of their minds, nakaka-challenge talaga maghanap ng mga atletang may kapansanan,” dagdag ni Dumapong-Ancheta.

Kailangan din aniya ng suporta mula sa gobyerno at iba pang sektor upang mas lalong mapalakas ang sports para sa mga para athletes.

POWERLIFTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with