^

PSN Palaro

Mangliwan, Gawilan babawi

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa lane infringement ay na-disqualify si Pinoy wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa finals ng men’s 400-meter run habang bigo si swimmer Ernie Gawilan na makapasok sa top eight ng 400-meter individual medley kamakalawa.

Inaasahang babawi sina Mangliwan at Gawilan sa ikalawa nilang event sa Tokyo Paralympic Games.

Kakarera si Mangliwan sa finals ng men’s 1,500-meter-T52 race ngayong alas-7:42 ng gabi sa Japan National Stadium.

Sasalang ang 41-anyos na Pinoy bet sa lane 4 sa hanay ng pitong outright finalists kung saan umaasa siyang makakasikwat ng medalya.

Nakapasok man sa finals ng men’s 400-meter run ay na-disqualify naman si Mangliwan nang sakupin ang linya ni Thomas Geierspichler ng Austria papalapit ng finish line.

Nalabag din ni American Isaiah Rigo ang nasabing World Para Athletics Rule 18.a ukol sa ‘lane crossing and obstruction’.

Lalangoy naman si Gawilan sa second heat ng men’s 400-meter freestyle-S7 race ngayong alas-8:07 ng umaga.

Hindi man makasama sa finals ng 400-m IM ay nagsumite naman siya ng bagong national record na 2:50.49.

vuukle comment

MANGLIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with