^

PSN Palaro

Mangliwan na-disqualify sa Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mangliwan na-disqualify sa Finals

MANILA, Philippines — Na-disqualify si Pinoy wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa finals ng men’s 400-meter T-52 classification sa athletics competition ng Tokyo Paralympic Games sa Olympic Stadium kahapon.

Tumipa ang 41-anyos na si Mangliwan ng perso­nal best na 1:00.80, ngunit ibinasura ito ng mga technical officials dahil sa lane infringement per Rule WPA 18.5a kasama si American Isaiah Rigo.

Nagposte si Japanese world record-holder Tomoki Sato ng bagong Paralympic mark na 55.39 segundo para kunin ang gold medal kasunod sina American Raymond Martin (55.59) at Hirokazu UeyonaBaru (59.95) ng host country.

Nauna nang naglista si Mangliwan, ang 2015 Singapore ASEAN Para Games double gold me­dalist, ng tiyempong 1:3.41 para pumang-apat sa kanyang heat.

Sapat na ito para makapasok ang tubong Tabuk, Kalinga sa finals kasama ang pito pang qualifiers.

Sa swimming, minalas si Ernie Gawilan na umabante sa finals ng SM7 men’s 200-meter individual medley nang tumapos sa ninth overall sa heats sa kanyang personal best time na 2:50.49  sa Tokyo Aquatic Centre.

Ang nasabing oras ni Gawilan ay mas mabilis kumpara sa kanyang inilistang 2:52:00 sa pagkopo sa gold medal sa parehong event noong 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

2020 TOKYO PARALYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with