^

PSN Palaro

Lady Realtors pass din sa AVC tournament

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Realtors pass din sa AVC tournament
Isa-isang tumanggi ang reigning Premier Volleyball League (PVL) Open Conference champion Chery Tiggo, runner-up Creamline, third placer PetroGazz at fourth placer Choco Mucho.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagpasya rin ang Sta. Lucia Realtors na tanggihan ang imbitasyong sumabak sa 2021 Asian Women’s Club Championship na lalaruin sa Oktubre 1 hanggang 7 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Isa-isang tumanggi ang reigning Premier Volleyball League (PVL) Open Conference champion Chery Tiggo, runner-up Creamline, third placer PetroGazz at fourth placer Choco Mucho.

Kaya naman ipinasa ang imbitasyon sa fifth pla­cer Sta. Lucia subalit sumali ito sa mga nag-decline para magpartisipa sa torneo.

Pangunahing idinahilan ng Lady Realtors management ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials nito lalo pa’t tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

“After a thorough eva­luation of the invitation and considering various factors, we have determined that present local and health requirements and regional conditions are not conducive to a safe and healthy competition,” ayon sa statement ng Sta. Lucia Realtors.

Bukod pa rito, magi­ging bahagi sina Sta. Lucia Realtors standouts MJ Philips at Dell Palomata ng national pool.

Umaasa ang Sta. Lucia na mabibigyan ng pagkakataon na muling makalahok sa naturang torneo sa mga susunod na edisyon nito.

Matapos ang Sta. Lucia, sunod na iimbitahan ang Black Mamba-Army, PLDT, BaliPure, Perlas at Cignal.

May hanggang Set­yembre 10 pa ang Pilipinas para magsumite ng lineup para sa asian meet.

vuukle comment

REALTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with