Roach may patikim sa game plan ni Pacquiao
MANILA, Philippines — Nagbigay ng pahiwatig si Hall of Famer Freddie Roach sa posibleng maging game plan ni People’s Champ Manny Pacquiao laban kay reigning WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr.
Ayon kay Roach, isang mabilis na simula ang inaasahang ilalatag ni Pacquiao sa oras na makaharap nito si Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.
Ipinaliwanag ni Roach na kailangan ng malakas na opening round ni Pacquiao upang makuha ang tempo ng laban na magsisilbing magandang simula para sa mga susunod na rounds.
Nakahanda rin si Pacquiao sakaling umabot pa sa 12 rounds ang laban dahil pukpukan ang ensayo nito para mas tumatag ang estamina at endurance nito.
“I told Manny to put this guy (Spence) on his ass in the first round and the momentum will head your way. So we are going to start fast and we are in shape to go 12 hard rounds. He better be ready for a 12-round fight,” ani Roach sa panayam ng Morning Kombat.
Napanood na ni Roach ang mga nakalipas na laban ni Spence kaya’t alam na nito ang magiging estratehiya ni Pacquiao para sa laban.
“Spence, he is a good puncher and he hits hard but I think Manny’s in and out motion will get (Spence) in trouble,” ani Roach.
Gaya ng mga boxing fans, excited na rin si Roach na masilayan ang tunay na laban sa pagitan nina Pacquiao at Spence.
Hindi ito tulad ng ibang laban na isang exhibition lamang sa pagitan ng dalawang kilalang personalidad.
- Latest