^

PSN Palaro

Spence nakaabang na sa bagsik ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pinagbabasehan ni reigning WBC at INF welterweight champion Errol Spence Jr. ang edad ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Alam nito ang lakas ng kamao ni Pacquiao.

Kaya naman naghahanda na si Spence sa malakas na puwersang ilalatag ng Pinoy champion sa kanilang bakbakan sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I just feel like, you know, just because he’s 42, about to turn 43, that doesn’t mean nothing cuz, you know, he doesn’t blow up in weight,” ani Spence sa Fox Sports.

Para  kay Spence, nasa 42-anyos na si Pacquiao subalit hindi ito batayan para maliitin ang Pinoy champion.

Nakita ni Spence ang mga nakalipas na laban ni Pacquiao kung saan tunay na lumabas ang bagsik nito sa kabila ng kanyang edad.

“Like he don’t get 20, 30 pounds out of weight, or you know, he’s not doing outside things that, you know, don’t distract him. I feel like, you know, he’s a boxer 24/7, you know, all year round,” ani Spence.

Mataas ang respeto ni Spence kay Pacquiao at hindi dapat balewalain ang isang legendary boxer na tulad ng Pinoy pug.

“So, I feel like, you know, that helps him also with his age and things like that. So, that’s why I feel like, you know, he’s basically gonna be the same fighter,” ani Spence.

Kaya naman pukpukan na rin ang paghahanda ni Spence para matiyak na preparado ito para sa laban.

Walang ibinigay na prediksiyon si Spence ngunit naniniwala itong isang magandang laban ang naghihintay para sa mga boxing fans na manonood sa laban.

“I’m looking for the Manny Pacquiao that fought Keith Thurman, the Manny Pacquiao before that. So, that’s why I’m gonna train and I’m gonna train hard,” ani Spence.

ERROL SPENCE JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with