Escoto sa Magnolia na!
MANILA, Philippines — Hinugot ng Magnolia si big man Russel Escoto mula sa Terrafirma sa isang trade na aprubado na ng pamunuan ng PBA.
Mismong si Terrafirma Governor at league Vice Chairman Bobby Rosales ang nagkumpirma ng trade.
Nakumpleto ito ilang oras bago ang opisyal na pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magiging kapalit ni Escoto ang 2022 second-rounc pick ng Hotshots sa PBA Annual Rookie Draft.
Makakasama ni Escoto sa lineup ng Hotshots sina Loren Bill, Jackson Corpuz, Justin Melton, Paul Lee, Rafi Reavis, Jerrick Ahanmisi, Jio Jalalon at Ian Sangalang.
Nasa lineup din ng Magnolia sina Ronnie De Leon, Calvin Abueva, Mark Barroca, Alvin Capobres, Rome Dela Rosa, Kyle Pascual at Aris Dionisio.
Mamanduhan ang Magnolia ni head coach Chito Victolero habang assistant coaches sina Jason Webb, Johnny Abarrientos, Mon Jose, Juno Sauler at Angelito Esguerra.
- Latest