Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 bukas sa ibang teams
MANILA, Philippines — Magiging bukas ang pintuan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 tournament sa lahat ng teams na nagnanais lumahok sa torneo.
Ito ang inihayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 owner Ronald Mascariñas dahil target nitong makapasok ang Pilipinas sa 2024 Summer Olympics sa Paris, France.
Kaya naman maaaring sumali sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 ang lahat kabilang na ang mga teams sa PBA.
Pwede rin ang mga teams na nasa MPBL, NBL at Pilipinas VisMin Super Cup.
Dahil sa programa ng Chooks-to-Go sa 3x3 basketball, umangat ang Pilpinas sa Top 20 sa world ranking ng FIBA 3x3 event para makakuha ng silya sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament noong Mayo sa Graz, Austria.
Subalit hindi pinalad ang Pinoy squad na ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas matapos bigong makakuha ng panalo sa tatlong pagsalang nito.
Samantala, magsisilbing host ng Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg ang Pagadian City.
Target namang simulan ang NBL at WNBL sa Hulyo 3 habang sa Setyembre ang puntiryang opening ng MPBL Mumbaki Cup — mga events na sinusuportahan ng Chooks-to-Go.
- Latest