Bryant, 2 pa iniluklok sa Hall of Fame
UNCASVILLE, Connecticut — Iniluklok na ang namayapang si Kobe Bryant kasama ang mga miyembro ng 2020 Class sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame kahapon.
Nakasama ni Bryan sina NBA legends Tim Duncan at Kevin Garnett sa 2020 Class.
Ang dating Los Angeles Lakers superstar ay kinatawan ng kanyang asawang si Vanessa at sinamahan ni Michael Jordan na siyang nagluklok sa five-time NBA champion.
Namatay si Bryant sa isang plane crash sa Calabasas, California kasama ang kanilang anak na si Gigi at pitong iba pa noong Enero ng 2020.
“Congratulations baby, all of your hard work and dedication paid off. You did it, you are in the Hall of Fame now,” sabi ni Vanessa. “Kobe’s most cherished accomplishment was being the very best girl dad.”
- Latest