^

PSN Palaro

De Luna, Gomez abante sa WCP quarterfinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok sa quarterfinals sina Jeffrey De Luna at Roberto Gomez sa prestihiyosong 2021 World Cup of Pool na ginaganap sa Stadium MK sa Milton Keynes, England.

Naitarak nina De Luna at Gomez ang impresibong 7-5 come-from-behind win laban kina Billy Thorpe at Skyler Woodward ng Amerika para makahirit ng tiket sa Last 8.

Sa katunayan, nakalugmok sina De Luna at Gomez sa pagsisimula ng laban nang makuha nina Thorpe at Woodward ang 5-0 kalamangan.

Subalit sinamantala ng Pinoy duo ang krusyal na mintis nina Thorpe at Woodward para sunud-sunod na makuha ang pitong racks at tuluyang makuha ang panalo.

Sunod na makakasagupa nina De Luna at Gomez sina Denis Grabe at Mark Magi ng Estonia na naitakas ang pahirapang 7-6 panalo kina Jayson Shaw at Chris Melling ng Great Britain-A.

Mainit na sinimulan nina De Luna at Gomez ang kampanya nito matapos pataubin sina Allison Fisher at Kelly Fisher ng Great Britain-B (7-3) sa first round ng torneo.

Sa pagpasok sa quarterfinals, makasisiguro na sina De Luna at Gomez ng $9,000 premyo.

Nakalaan ang tumataginting na $60,000 para sa magkakampeon habang $30,000 naman para sa runner-up at $15,000 sa semifinalists.

Target nina De Luna at Gomez na maibalik sa Pilipinas ang kampeonato sa World Cup of Pool na hu­ling nahawakan nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza noong 2013.

JEFFREY DE LUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with