^

PSN Palaro

Philippine rowers target din ang Tokyo Olympics

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang national rowers ang maghahangad na makasagwan ng tiket sa 2021 Olympic Games sa kanilang paglahok sa 2021 World Rowing Asia and Oceania Olympic Qualification Regatta.

Sina Melcah Jen Caballero, Joanie Delgaco, Cris Nievarez, Roque Abala at Zuriel Sumintac ang sasabak sa nasabing Olympic qualifying na nakatakda sa Mayo 5-7 sa Tokyo Bay sa Japan.

Inangkin nina Caballero at Delgaco ang gold medal sa women’s lightweight double sculls noong 2019 Southeast Asian Games.

Sasalang sina Sumintac at Abala sa men’s lightweight double sculls habang lalahok sina Caballero at Delgaco sa women’s lightweight double sculls at sasali naman si Nievarez sa men’s single sculls.

Bibiyahe ngayon ang national rowing team na sumailalim sa local covid testing noong Huwebes at muling sasalang sa RT-PCR test pagdating nila sa Tokyo.

Nakatakda ang 2021 Tokyo Olympic sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. 

vuukle comment

REGATTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with