Pressure kay Kobe Paras
MANILA, Philippines — Naglabas ng saloobin si Kobe Paras sa isang post sa Instagram kung saan nagkaroon ng throwback video ng hoopjunkie noong nasa isang laro ito sa Adidas Nations 2015.
Nasa 18-anyos pa lamang ito noong mga panahong iyon ngunit ramdam na ramdam na nito ang bigat ng pressure na ibinigay sa kanya ng mga tao.
“Ever since I was 14, I was pressured by people who don’t even know me to be someone I’m not? People who don’t even know me gave me so much expectations for no reason,” ani Paras sa kanyang comment.
Dahil sa matinding pressure, ikinuwento ni Paras na dumaan ito sa depresyon sa edad na 20-anyos dahil sa mga negatibong komentong tinatanggap nito sa murang edad.
“Crazy what people say can affect a kid. Ima-gine being depressed at 20 because every time you mess up, you think you let your country down,” ani Paras.
Kaya naman nanawagan si Paras sa mga netizens na iwasang magkomento ng mga negatibo at masasakit na salita lalo pa’t posible itong makaapekto sa isang tao.
“At the end of the day, I’m just a human being like all of y’all. If you got nothing nice to say, keep it to yourself,” ani Paras.
- Latest