Kobe Paras hahasain ang skills sa US
MANILA, Philippines — Nabangasan ang lineup ng University of the Philippines (UP) matapos magdesisyon si Kobe Paras na maging bahagi ng East West Private (EWP).
Kahapon, inihayag ng EWP ang pagpasok ni Paras sa grupo-- ang parehong team na humahawak sa professional career ni Kai Sotto sa Amerika.
“Let tomorrow be your second chance to prove that you are better than today and yesterday,” ayon sa post ng EWP sa Instagram patungkol kay Paras.
Maliban kay Sotto, hawak din ng EWP ang ibang Pinoy players gaya nina Cholo Anonuevo, Sage Tolentino at Caelum Harris.
Awtomatikong mawawalan ng bisa ang UAAP eligibility ni Paras sa oras na lumaro ito sa isang commercial league sa Amerika.
Aminado si Fighting Maroons head coach Bo Perasol na malaking kawalan si Paras sa kanyang koponan.
Subalit handa itong tanggapin si Paras sakaling magbago ang isip nito at muling bumalik sa UP.
“He won’t be eligible in the UAAP anymore if he plays there. But if he still wants to come back and he remains eligible to play in the UAAP, he will be always welcome to play (for UP),” ani Perasol.
- Latest