^

PSN Palaro

Anxiety at stress ng mga atleta, paano malalabanan?

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Umusbong ang SARS-CoV-2 coronavirus infectious disease o COVID-19 pandemic noong ika-17 ng Nobyembre 2020 sa Wuhan City, sentral na bahagi ng China. Marso ng ika-15 nag-anunsiyo ang lockdown sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang buong bansa.

Kasabay ng lockdown na ito ang pagkahinto ng maraming kompanya, negosyo, klase at trabaho. Hindi maikakailang isa kaming mga atletang sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Nahinto ang mga ensayo at torneo. Ang mga manlalaro ay pinauwi sa kani-kanyang mga probinsya.

Malaking dagok sa aming mga atleta ang pagkakahinto sa laro. Dito sumisibol ang stress at anxiety dahil sa pagkakahinto ng araw-araw na routine namin. Nakakulong sa bahay, limitado ang pisikal na aktibidad, nakahiwalay sa mga kasamahan sa koponan, sa komunidad ng isports at kakulangan sa sosyal na suporta ay negatibong nakakaapekto sa amin. Ipinagbabawal ang paglalaro ng isports sa maraming lugar kaya naman tanging sa bahay lang nakakapag-ensayo kaming mga atleta. May ilan na nagtrabaho na lang dahil walang maipangkain, wala ring allowance.

Dalawang taon na nang mahinto kami sa paglalaro. Ngunit paano nga ba malalabanan ang anxiety at stress na dulot ng pandemya?

Kahit anung kasarian ng atleta, dapat na magkaroon tayo ng re-evaluation, pagtanggap at pagpa-plano. Maaaring ito rin ang panahon upang tumuklas tayo ng talento sa ibang bagay. Sumubok tayo ng ibang aktibidad, maaaring mag-vlog, magsulat ng tula, gumawa ng kanta, magsanay sa pagsasayaw, magpinta at marami pang iba. Ngunit para sa akin pinakamahalaga rito ang ‘pagtanggap’. Kapag natanggap natin na ganito ang new normal, makaka-adopt tayo sa sistema. Ngunit huwag kalimutan ang ebaluwasyon at pagpa-plano. Magtakda ng bagong mithiin. Alamin kung ano ang nais patunguhan ng iyong karera sa paglalaro at magplano kung paano mo ito magagawa imbis na magpokus sa stress na nararamdaman. Maging positibo at subukan pa ring lumaban. Pandemia lang iyan, alamin mo kung sino ka, mas malakas ka!

Kung mahirap ang bawat ensayong dinaranas natin sa court, ang hamon na ito ay mahirap din sapagkat kakaiba, ngunit walang pagsubok na hindi kakayanin basta pursigidong makamit ang inaasam na mga pangarap o mithiin.

ANXIETY

COVID-19

STRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with