^

PSN Palaro

Gobert, Mitchell bumida sa Jazz vs Bulls

Pilipino Star Ngayon
Gobert, Mitchell bumida sa Jazz vs Bulls
Dumakdak si Jazz center Rudy Gobert laban kay Wendell Carter ng Bulls.
STAR/File

CHICAGO — Naghulog si guard Donovan M­itchell ng 30 points habang kumolekta si center Rudy Gobert ng 21 points, 10 rebounds at career-high 9 blocks para pamunuan ang Utah Jazz sa 120-95 pagsuwag sa Bulls.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Western Conference leaders na Utah (31-11) na nakahugot kina Joe Ingles, Fil-Am Jordan Clarkson at Mike Conley ng 17, 16 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Zach LaVine ang Chicago (19-23) sa kanyang 27 points.

Sa Milwaukee, ku­mo­lekta si guard Jrue Holiday ng 28 points at 14 assists at nalampasan ng Bucks (28-14) ang hindi paglalaro ni Giannis Antetokoumpo sa 140-113 pagdomina sa Indiana Pacers (19-23).

Sa Los Angeles, tumipa si Kawhi Leonard ng 25 points at may season-high 21 markers si T­erance Mann para tapusin ng Clippers (28-16) ang eight-game winning streak ng Atlanta Hawks (22-21) mula sa 119-110 panalo.

Sa Houston, tinapos ng Rockets (12-30) ang kanilang 20-game losing slump nang kunin ang 117-99 tagumpay sa Toronto Raptors (17-26).

Sa Memphis, kumamada si Ja Morant ng 29 points para ilusot ang 132-126 overtime win ng Grizzlies (20-20) sa Boston Celtics (21-22).

Sa San Antonio, tumipa si Gordon Hayward ng 27 points habang may 24 markers si Terry Rozier sa 100-97 pagtakas ng Charlotte (21-21) sa Spurs (22-18).

UTAH JAZZ

WESTERN CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with