^

PSN Palaro

Pinoy karatekas dadaan sa butas ng karayom

Ni Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Pagsikwat sa Olympic Berth

MANILA, Philippines — Maituturing na ‘suntok sa buwan’ ang magiging kampanya ng mga national karatedo team sa quali­fying tournament para sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.

Sa isang weight ca­tegory ay 100 karatekas ang malalaban-laban kung saan kukunin ang tatlo sa apat na sisikwat ng gold, silver at dalawang  bronze medals para sa 2021 T­okyo Olympics.

Sasabak si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jamie Christine Lim sa women’s +61-kilogram ng Olympic qualifying sa Hunyo sa Paris, France.

“They’re (organizers) gonna take the medalists sa top four. Isang gold, silver at dalawang bronze tapos magra-round robin sila and they’ll get the top three,” ani Lim.

“Silang tatlo lang ang makakapasok sa Olympics kasi there are already seven other slots na taken na sa Olympics. So three left for this qualifiers,” dagdag ng anak ni PBA great Samboy Lim.

Bilang preparasyon sa Olympic qualifying ay magtutungo ang national karatedo team sa Istanbul, Turkey sa susunod na linggo para sa isang two-month training camp.

Makakasama ni Lim sa pagbiyahe sina Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay habang magmumula sina 2019 SEA Games gold medalist Junna Tsukii at Fil-Am Joane Orbon sa Japan at United States, ayon sa pagkakasunod.

OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with