Payne, Booker nagsanib-puwersa sa panalo ng Suns
PHOENIX — Umiskor si Cameron Payne ng 17 points habang may 16 markers si Devin Booker para sa 120-98 pagsunog ng Suns sa Golden State Warriors bago ang NBA All-Star break.
Nagdagdag si Jae Crowder ng 14 points para sa Suns (23-11) at kumolekta si center Deandre Ayton ng 11 points at 10 rebounds.
Naglaro ang Warriors (19-17) na wala sina Stephen Curry (rest), Draymond Green (ankle) at Kelly Oubre Jr. (wrist).
Sa Memphis, isinalpak ni Jrue Holiday ang isang baseline jumper sa huling dalawang segundo para itakas ng Milwaukee Bucks (22-14) ang 112-111 panalo sa Grizzlies (16-16).
Sa Indianapolis, humakot si Nikola Jokic ng 20 points, 12 rebounds at 8 assists at may 24 markers si Michael Porter Jr. para sa 113-103 panalo ng Denver Nuggets (21-15) sa Indiana Pacers (16-19).
Sa New Orleans, umiskor si Jimmy Butler ng 29 points at sinamantala ng Miami Heat (18-18) ang hindi paglalaro ni Zion Williamson para kunin ang 103-93 tagumpay sa Pelicans (15-21).
Sa Washington, naglista si Bradley Beal ng 33 points para ihatid ang Wizards (14-20) sa 119-117 pagtakas sa Los Angeles Clippers (24-14).
Sa Boston, nagposte si Jayson Tatum ng 27 points at 12 rebounds para sa 132-125 paggupo ng Celtics (19-17) sa Toronto Raptors (17-19).
- Latest