Donaire naka-move on na
MANILA, Philippines — Naka-move on na si four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa nakansela nitong laban kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez.
Si Donaire sana ang makakaharap ni Rodriguez sa laban kahapon sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut para sa interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title.
Subalit nakansela ito matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) swab test.
Hindi tinanggap ng mga organizers ang tatlong negative confirmatory tests na iprinisenta ni Donaire at ipinalit si Reymart Gaballo na kalaban ni Rodriguez.
Kaya naman nais na itong kalimutan ni Donaire at pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang susunod na laban.
Sa katunayan, bago ang Gaballo-Rodriguez fight, nagbigay pa ng magandang mensahe si Donaire para kay Gaballo at nanawagang suportahan ito sa laban.
Masaya si Donaire sa naging tagumpay ni Gaballo dahil bandila ng Pilipinas pa rin ang dala nito.
Balik-ensayo na si Donaire para paghandaan ang matikas na pagbabalik nito sa ring.
“Back to the gym to be prepared for my next fight. I’m moving on,” ani Donaire.
Haharapin muna nito ang kanyang pamilya para ipagdiwang ang holiday season sa Amerika.
- Latest