7th PASAY ‘The Travel City’ Racingfest lalarga bukas
MANILA, Philippines — Apat na kapana-panabik na major races ang bibitawan sa 7th PASAY ‘The Travel City’ Racing Festival bukas sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Paglalabanan sa 7th PASAY ‘The Travel City’ Cup na tatakbuhin sa distansyang 1,600 metro ang premyong P300,000 habang ang runner-up ay tatanggap ng P112,500.
Magbabalik ang Summer Romance para idepensa ang korona laban sa mga imported entries na Chancetheracer (United States) at Certain To Win (Australia)
Ang iba pang tatakbo ay ang Sooner Time, Helushka, Son Also Rises, Box Office, Goldsmith, Anino, Candid Moment, Viva Morena, National Pride, Gomper Girl at Certain To Win.
Mag-uumpisa ang mga karera sa alas-12 ng tanghali tampok ang tatlo pang major races at 11 trophy races na itinataguyod din Resorts World Manila, SMDC, Pagcor, Double Dragon Properties, Century Peak, at Boysen Paints. Ang mga kalahok naman sa 7th PASAY City Rep. Tony Calixto Cup na may premyong P350,000 ay ang Street Smart , Go Go Rosario, Lucky Savings, I Love Ninetyseven, Prettiest Star, Radio Gaga at Spandau Ballet.
Sa 7th PASAY City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup na may premyong P350,000 ay maglalaban-laban ang American Factor, In The Zone, Tony’s Love, Troubadour, Kick The Gear, Palibhasa Lalake at Mark of Distinction.
Mag-uunahan sa 6th PASAY City Former OIC Mayor Eduardo ‘ Duay’ Calixto Memorial Cup na may premyong P300,000 ang Smart Julianne, Stayinthemoment, Kevlar, Meteora, Objection Ur Honor, Lovely Julianne, Kalanggaman Island, Namayan,; Katuparan, Born To Run, Work From Home, Kiss Muna, Arrabiata at Chief Maurice.
- Latest