^

PSN Palaro

Olympic qualifiers at hopefuls planong ipasok ng PSC sa bubble sa Laguna

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Olympic qualifiers at hopefuls planong ipasok ng PSC sa bubble sa Laguna
Marc Velasco

MANILA, Philippines — Sakaling mabigyan ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay ipapasok ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga Olympic Games qualifiers at hopefuls sa isang ‘bubble set-up’.

Ang tinitingnan ng PSC para maging venue ng ‘bubble’ ay ang Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“Once we receive the go signal from IATF, we will mobilize bringing back the national teams,” sabi ni PSC national training director Marc Velasco.

Nang pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay kaagad pinauwi ng sports agency sa kanilang probinsya ang mga national athletes at coaches.

Hanggang ngayon ay ipinagbabawal pa ng IATF ang pagbabalik-ensayo ng mga atleta.

“Iyon lang ang tricky because the flights and permits would take a little time so we’re looking at a maximum of two weeks to bring them back,” dagdag ni Velasco sa mga national athletes.

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John O­biena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang nakakuha ng tiket para sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan.

Nagsasanay si Obiena sa Italy habang nasa Japan si Yulo at nasa United States at loilo City sina Marcial at Magno, ayon sa pagkakasunod.

May 82 pang national athletes ang naghahangad makasikwat ng Olympic slot sa pamumuno nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), three-time SEA Games queen Kiyomi Watanabe (judo) at Fil-Ams Kristina Knott at Eric Shaun Cray (athletics).

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with