^

PSN Palaro

Ravena, Alas backcourt tandem lalo pang titibay

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ravena, Alas backcourt tandem lalo pang titibay
Kevin Alas
STAR/File

Para sa road warriors

MANILA, Philippines — Ipinaramdam ng NLEX na sina star guards Kiefer Ravena at Kevin Alas ang kanilang magiging solidong backcourt tandem sa Philippine Basketball Association (PBA).

Binigyan ng Road Warriors sina Ravena at Alas ng three-year contract extension para patuloy na giyahan ang tropa ni head coach Yeng Guiao.

“Rest assured we will do our best to represent the team with the best of our abilities,” pangako ng 26-anyos na si Ravena, isang two-time UAAP champion para sa Ateneo Blue Eagles at two-time UAAP Most Valuable Player.

Sa kanyang unang PBA conference matapos mapatawan ng 18-month ban dahil sa pagpositibo sa paggamit ng banned substance ay nagtala ang anak ni TNT coach Bong Ra­vena ng mga averages na 15.5 points, 5.6 rebounds at 8.2 assists noong 2019 PBA Governors’ Cup eliminations.

Nagmula naman sa isang ACL tear noong Peb­rero ng 2019, humataw ang 28-anyos na anak ni Phoenix mentor Louie Alas ng 8.4 points, 3.8 rebounds at 3.4 assists per game.

“Signing the two, Kiefer and Kevin, is an indication that we want to form the strongest team possible that is capable of chal­lenging the usual conten­ders for a championship,” wika ni Guiao.

Kumpiyansa si Guiao na magiging maganda ang samahan nina Ravena at Alas sa kampanya ng NLEX sa mga susunod na taon.

KEVIN ALAS

KIEFER RAVENA

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with