^

PSN Palaro

Raptors pinapak ang Lakers

Pilipino Star Ngayon
Raptors pinapak ang Lakers
Kyle Lowry
Jesse D. Garrabrant / NBAE / AFP

George bumandera sa Clippers

LAKE BUENA VISTA, Florida Humataw si point guard Kyle Lowry ng 33 points at 14 rebounds para banderahan ang defending NBA champion Toronto Raptors sa 107-92 paggiba sa Los Angeles Lakers sa NBA restart season kahapon dito.

Ito ang ika-11 sunod na panalo ng Raptors kontra sa Lakers sapul noong 2014-2015 season.

Nagdagdag si OG A­nunoby ng 23 points para sa Toronto, inilista ang 97-86 abante sa Los Angeles sa huling 3:01 minuto ng fourth quarter.

Pinamunuan ni Le­Bron James ang Lakers sa kanyang 20 points at 10 rebounds habang may 14 markers si Anthony Davis matapos umiskor ng 34 points sa kanilang panalo laban sa Los Angeles Clippers noong Huwebes.

Kumamada naman si Paul George ng tatlong sunod na three-pointers sa pagsisimula ng laro para tumapos na may 28 points sa pag-akay sa Clippers sa 126-103 pagmasaker sa New Orleans Pelicans.

Winasak ng Clippers ang kanilang franchise record sa pagsasalpak ng 25 sa 47  triples tampok ang walo ni George.

Itinabla rin ng Clippers ang team record para sa 3-pointers sa isang yugto kung saan sila kumonekta ng 16-of-24 para ibaon ang Pelicans sa halftime, 77-45.

Nagdagdag si Kawhi Leonard ng 24 points para sa Clippers.

Tumipa naman si Shai Gilgeous-Alexander ng 19 points habang may 18 markers si Chris Paul para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 110-94 pagdaig sa Utah Jazz.

Kumolekta si Steven Adams ng 16 points at 11 rebounds at may 15 mar­kers si Danilo Gallinari para sa Thunder.

Umiskor sina Jimmy Butler at Bam Adebayo ng tig-22 points para tulungan ang Miami Heat sa 125-105 pagpapabagsak sa Denver Nuggets.

Nagpasabog naman si T.J. Warren ng career-high 53 points para pangunahan ang Indiana Pacers sa 127-121 pananaig sa Philadelphia 76ers.

KYLE LOWRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with